Hiling

Malvin Drake

Sa ilalim ng dilim
Ako'y nananalangin
Na sa bawat huni ng hangin
Ikaw ay kapiling

Kailan kaya darating
Matagal ko nang dalangin?
Kasabay ng huni ng hangin
Sa ilalim ng dilim

Kasabay ng hangin na dumadampi
Mga dalanging malabong mapasa'kin

Oh, pag-ibig na minimithi
Sa'n ka man nakatingin
Aking pag-ibig na hinihiling
Sana ako ay marinig dito sa ilalim ng dilim

Kailan kaya mapapansin
Matagal ko nang dalangin?
Na sa iyo'y may pagtingin
Na hindi mapipigil

Oh, pag-ibig na minimithi
Sa'n ka man nakatingin
Aking pag-ibig na hinihiling
Sana ako ay marinig (dito sa ilalim ng dilim)

Sa mga oras na dumating
'Di man lang naiparating
Ang pag-ibig na hinihiling
Kasabay ng hangin na dumadampi
Sana noon pa 'pinarating
Mga dalanging malabong marinig

Oh, pag-ibig na minimithi
Sana'y ngiti ko'y mapansin
Aking pag-ibig na hinihiling
Sa yakap mo ay nananabik, dito sa ilalim ng dilim

Tracker

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.