Panalangin Sa Pagiging Bukas Palad

Jamie Rivera

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa iyo

Na makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi
Humahanap ng kapalit na kaginhawaan
At di naghihintay kundi ang
Aking mabatid na ang loob mo'y siyang sinusundan.

Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa iyo.

Tracker

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.