Kilometer Zero

Ian Pangilinan

At kung ganito magpapaaalam
Kukupas sa oras
Marahang marahan
Uukitin sa puno ating mga ngalan
Nang kung maligaw, may palatandaan

Sa away at kantyawan
Ma't pagmamalabis
May pagibig pa rin
Hwag ka nang umalis

Dahil dito, dito nasusukat ang layo
Ang sentro nitong daigdig
Wala ng makadadaig
Sa'tin, Sa'tin pa rin ang uwi
Batobalani pusong pagal
Magbabalik ang pagmamahal

May tawanan na tutuldukan
Ng yakap, halik
May pagibig pa rin
Pag ika'y nagbalik

Dahil dito, dito nasusukat ang layo
Ang sentro nitong daigdig
Wala ng makadadaig
Sa'tin, Sa'tin pa rin ang uwi
Batobalani pusong pagal
Magbabalik ang pagmamahal

Magbabalik ang pagmamahal
Magbabalik ang pagmamahal

Tracker

All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.