bakit parang kasalanan ang umiwas sa'yo
nang aminin mong iba ang iyong gusto
bakit parang kasalanan ang pagtalikod sayo
di na ako ang tinatawag mo
mali bang magtago at magdamdam
hindi naman ikaw ang nasaktan
hindi ko na kakayaning magpanggap na lang
hayaan mo muna akong lumayo
nang malimutan ang lahat ng pagtingin sa iyo
hayaan mo muna akong tumayo
nang makabangon pang muli sa pagkahulog sayo
wag mo sana itong mamasamain
di ba't ikaw na rin ang nagsabi sakin
hindi ka man tanggapin ng iyong gustong ibigin
wag kang mag-alala
di ka mahirap mahalin
mali bang ako'y may naramdaman
ako lang rin naman ang nasaktan
pati ba sa'yo ako'y magpapanggap na lang
hayaan mo muna akong lumayo
nang malimutan ang lahat ng pagtingin sa iyo
hayaan mo muna akong tumayo
nang makabangon pang muli sa pagkahulog sayo
hayaan mo muna akong lumayo
nang malimutan ang lahat ng pagtingin sa iyo
at kung sandalan lang ang hanap mo
sa isang tulad ko
wag kang magtatakang bigla bilga
nalang akong maglalaho
bigla nalang maglalaho
hayaan mo muna akong lumayo
nang malimutan ang lahat ng pagtingin sa iyo
hayaan mo muna akong tumayo
nang makabangon pang muli sa pagkahulog ko sayo